Lunes, Enero 13, 2014
Ang Bayan ng Bae ay Ika-3 klaseng at kinukunsedira ding ika-2 klase bayan sa lalawigan ng Laguna ,Pilipinas. Ayon sa senso noong 2000, Ito ay may populasyon na 66,762.
Isa sa pinakamatandang bayan sa lalawigan ng Laguna ang Bay, at ang kauna-unahang kabisera ng lalawigan. Sakop ng orihinal na teritoryo nito ang Los Banos, at ang Calauan. Bago ito masakop ng mga Kastila, ang maliit na bayan na ito ay tinitirahan ng mga taong pinamumunuan ni Datu Gat Pangil at natatag noong mga 1570. Sinasabing ang pangalang Bay ay nagmula sa tatlong anak na babae ng ni Datu Pangil. Pagtapos nilang binyagan, pinangalanan itong Maria Basilisa, Maria Angela, at Maria Elena. Ang mga unang titik ng Basilisa, Angela, Elena ay kinuhat at pinagsama at nabuo ang salitang Bae. Sa paglipas ng panahon, ang Bae ay naging Bay.
Mayroon Itong 15 Barangay ito ang Bitin, Calo, Dila, Maitim, Masaya, Paciano Rizal, Puypuy, San Antonio, San Isidro, Santa Cruz, Tagumpay, Tranca, San Agustin, San Nicolas
Bitin: Dito makikita sa barangay na ito ang pinakamalaking Geothernal energy ng laguna
Calo: Ang pangalan nitong Calo ay base sa ibong kalaw na namumugad sa mga puno ng barangay Calo
Dila: Ang Pangalan nitong "Dila" ay base sa dila (tongue)dahil ito ang pinaka dulong bahagi ng bae sa silangan.
Hanggan: Base ang pangalan nito sa salitang tagalog na hangganan ito kasi ang hangganang barangay papuntang Calauan, Laguna.
Puypuy: Ang kasaysayan ng puypuy noong panahon pa ng kastila sinasabing may bumagsak na bulalakaw dito at habang nagtatanong ang mga kastilang sundalo kong anu yun "apoy-apoy" ang nasabi ng mga aliping pilipino sa mga kastila at tinawag naman itong Puypuy ng mga kastila.
-Wikipedia
Lawa ng Bae
Ang pinakamalaking lawa sa Pilipinas at pangalawa sa pinakamalaking panloob na sariwang-tubig na lawa sa Timog-Silangang Asya. Matatagpuan ito sa pulo ng Luzon sa pagitan ng mga Lalawigan ng Laguna sa timog at Rizal sa hilaga. Matatagpuan ang Kalakhang Maynila sa kanlurang baybayin. Nasa 949 kilometro ang lawak ng ibabaw init at mayroong pangkaraniwang lalim na 2 metro.
Mayroong tatlong pulo sa lawa, ang pulo ng Talim, na kabilang sa isang bahagi ng bayan ng Binangonan at Cardona sa lalawigan ng Rizal, pulo ng Calamba, isang pribadong lugar at ginawang isang elganteng Resort of Calamba Island, at pulo ng Los Banos.
-Wikipedia
Larawan ng Laguna De Bay
-Google Images
|
Grand Villa Resort and Butterfly Centre
Kamayan sa Palaisdaan
Royal Palm Resort
Makiling-Banahaw Geothermal Power Plant
Mapa ng Bae Laguna
-Google Images
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)